Manila, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nationwide na pamamahagi ng pantawid pasada card.
Matatandaang nitong July 26 nang umpisahan ng LTFRB ang pagbibigay ng fuel voucher sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Information Technology Officer Nida Quibic, kabilang sa mga makatatanggap ng ayuda ay ang jeepney operators mula Regions 2, 4, 6, 7, 8, 9, 11, at 12.
Layong tulungan ng programang ito ang mga Public Utility Jeepney (PUJ) operators at driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Naglalaman ang bawat card ng ₱5,000 at inaasahang itataas sa ₱20,000 sa susunod na taon.
Paalala ng LTFRB, tanging sa diesel lang maaring gamitin ang cards at pwede lamang itong gamitin direkta sa mga gasolinahang tumatanggap nito.
Mahigpit ding imo-monitor ng LTFRB ang mga card sa tulong ng Landbank.
Kaya alam nila kung sakaling i-withdraw ng cardholder ang pera at gastusin sa ibang bagay.