UMARANGKADA NA | Pagkakabit ng 21 E-gate sa NAIA, sinimulan na

Manila, Philippines – Nagsimula na ang pagkakabit ng 21 E-gate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na layong mapabilis ang pila sa immigration.

Imbes mga immigration officer, ang E-gate na mag-tse-tsek ng passport ng mga pasahero tulad ng sa ibang bansa.

Kailangan lang i-tap ang passport para bumukas ang gate kapag nakumpirma ang pasaporte.


Kasabay nito, tiniyak naman ng Bureau of Immigration (BI) na hindi mawawalan ng trabaho ang mga immigration officer sa mga paliparan lalo at ekslusibo lang sa mga Pilipino ang E-gate.

Facebook Comments