Manila, Philippines – Sinimulan na ng senate sub-committee on the network freedom bill ang pagplantsa sa detalye ng panukalang nagbabawal sa telecommunication companies na i-lock ang anumang mobile devices sa kanilang sariling network.
Base sa Section 4 ng Senate Bill 1643 o Proposed Network Freedom Act, hindi na maaring magbenta ang mga telco at iba pang retailers ng mobile wireless devices na walang subscription contracts, na naka-locked lamang sa iisang network.
Ayon kay Gatchalian, mabibigyan ng kalayaan ang subscribers na pumili ng nais nilang network at mapapaluwag ang pag-unlock ng biniling mobile device.
Aniya, bibigyan din ng mandato ang mga telco na turuan ang mga subscribers kung saan at magiging paraan para sa pag-unlock ng device.
Samantala, inihayag ng kumpanyang Smart at Globe na ang time period para sa ma-unlock ang isang mobile device sa network nito ay depende sa manufacturer.
Pero napagkasuduan sa pagpupulong ng Technical Working Group (TWG) kabilang ng mga telco na awtomatikong ma-a-unlock ang mga device sa loob ng 24-oras pagkatapos makumpleto ang service contract o full payment ng device.
Ang pag-a-unlock ng mobile phone ay dapat libre at hindi maisasawalang bisa ang warranty na ibinigay ng mga manufacturer.