UMARANGKADA NA | Pagsasaayos ng passenger boarding bridges sa NAIA, nagsimula na

Manila, Philippines – Umarangkada na ang pagsasaayos sa passenger boarding bridges sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, target nilang matapos ang pagsasaayos ng 20 boarding bridges sa NAIA terminal 1 sa unang quarter ng 2019.

Aniya, mula sa bakal na pader, magiging gawa na sa salamin ang pader ng mga ito at magkakaroon na rin ng air conditioner at CCTV cameras.


Ang passenger boarding bridges ang nilalakaran ng mga pasahero mula terminal papuntang eroplano.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na papalitan ng MIAA ang boarding bridges sa NAIA Terminal 1 sa loob ng 33 taon.

Facebook Comments