UMARANGKADA NA | RMN Foundation, aktibong nakibahagi sa Brigada Eskwela sa Manila Science High School

Manila, Philippines – Brigada Eskwela sa Manila Science High School, umarangkada na.

Isa ang MaSci sa pinakamatandang eskwelahan sa Maynila.

Unang itinatag noong 1963, kilala ang eskwelahan sa mahigpit na admission test.


Karaniwang mga honor students ang natatanggap dito dahil ang lowest grade ay di bababa average 85 sa Math, Science at English.

Di lang galing ng Manila ang mga enrollees kundi sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila.

Aktibong nakibahagi sa aktibidad ang RMN Foundation.

Ang mga tauhan ng DPWH ang natoka sa pagpipinta ng mga class rooms, reclogging ng drainage, at pagpapalit ng mga basag na paso sa garden area.

Ang mga kababaihang staff ng DOLE ang nagpakintab sa sahig ng auditorium at ng multi-function room.

Ang may 50 classrooms ay pinaghati hatiang nilinis ng mga miyembro ng parents, guardian association.

Kabilang sa nakibahagi ay ang Alpha Phi Omega UP Manila, City Government of Manila, Masaya Alumni Foundation, Supreme Student Government, MMDA.

Sa pagpapanatili ng seguridad at traffic, pinangasiwaan ito ng Manila Police District (MPD) at ng Barangay 676.

Bukas, makikibahagi rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na magpapadala ng mga kalalakihan na maglalabas ng mabibigat na gamit na disposable.

Sila rin ang magpipick-up ng mga donations na furniture ng ibang institusyon.

Pinasalamatan naman ni Principal Ma. Eva Nacion ang lahat ng stakeholders na nakibahagi para matiyak na maayos, maginhawa para sa mga estudyante ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Facebook Comments