UMATRAS | Iraq, hindi na sasali sa football tournament sa Asian games

Hindi na sasali sa football tournament sa Asian games sa Jakarta, Indonesia ang bansang Iraq.

Nag-with draw sa nasabing event ang Iraq Olympic Committee kung kaya at naging imbalance ang opening phase sa tournament.

Hindi pa naman malinaw kung anong dahilan ng pag-atras ng Iraq sa football tournament kung saan maging ang Olympic Council of Asia na siyang organizers ng Asian games ay wala pang inilalabas na statement.


Matatandaan na una na din nag-desisyon ang bansang Pilipinas na huwag nang magpadala ng kanilang basketball team sa Asian games matapos ang nangyaring kaguluhan sa pagitan nila ng Australia sa FIBA World Cup Qualifier.

Facebook Comments