UMATRAS? | Pangulong Duterte, dapat nang linawin ang isyu ng kontraktwalisasyon – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Dapat klaruhin na ni Pangulong Duterte kung ano kanyang tunay na posisyon sa Executive Order na isinumite ng mga labor groups at kasalukuyang nakabinbin sa kanya.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson ng Associated Labor Unions-TUCP, ang statement kahapon ng Malacanang na hindi kakayanin ng Pangulo ang absolute o total ban on contractualization work scheme ay tila pag-atras ni Duterte sa kanyang pangako na tanggalin na ang endo at contractualization na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Ayon kay Tanjusay, ang statement na ito kasi ay batay sa unang EO na ginawa ng ALU-TUCP at iba pang labor groups na kasama sa hanay ng Nagkaisa Labor Coalition.


Nilinaw ni Tanjusay na may pangalawang EO draft na isinumite kay Duterte noong February 7 at ito ay hindi na absolute o total ban on endo.

Sinabi ni Tanjusay na ni recognize nila na hindi talaga kakayanin ang absolute ban kung kaya’t gumawa sila ng panibagong draft na magpapahintulot ng contractual na tràbaho.

Nais ni Tanjusay na basahin ng maigi ni Pangulong Duterte ang ikalawa at bagong draft na naisubmit sa kanya at magpalabas na ito ng posisyon para hindi na umasa pa ang mga manggagawa sa kanya sa Labor Day sa May 1.

Facebook Comments