Manila, Philippines – Umatras ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Ayon kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, mahirap ng pagkatiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi nito tinutupad ang kanyang mga pangako.
Dagdag pa ni Sison, hindi rin tinupad ng Pangulo ang pangako nitong palayain ang mga bilanggong pulitikal.
Dahil dito, himala na lang aniya kung matutupad pa ang peace talks.
Kahapon, June 28 dapat magpapatuloy ang kinanselang peace talks pero ipinagpaliban ito ni Duterte para pag-aralan ang mga napirmahan na ng dalawang panig.
Facebook Comments