Simula ngayong Mayo 11 ay magigng epektibo na ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Rehiyon-12 base sa bagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (TRWPB) Region – 12.
Batay sa pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Sisiño Cano, magiging P313 mula sa P295 ang arawang sahod ng mga non-agricultural workers na may karagdagang P16 piso.
Tatanggap naman ng arawan na sahod na P290 mula sa P272 ang mga nasa agricultural sector, retail at service establishments na may karagdagang P18 piso.
Sa naging paliwanag ni Dir.Cano layunin ng wage increase na makatulong sa pangangailangan ng mga trabahante na madagdagan ang kanilang arawang kita sa buong rehiyon at isinasa-alang alang din nila ang kakayahan ng mga kumpanya.
Sinabi ni Cano kapag naipatupad na ng bagong wage order ay magpapakalat sila ng mga labor inspectors upang masiguro ang compliance ng mga kumpanya at maipatupad ng maayos ang wage increase.(Amer Sinsuat)
Umento ng sahod sa mga manggagawa sa Region 12 epektibo na sa Mayo 11
Facebook Comments