
Nakaambang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ito’y batay sa apat na araw na trading.
Tinatayang humigit kumulang sa P0.50 sa kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang tataas ng humigit-kumulang sa P1 sa kada litro ang diesel at kerosene
Ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay bunsod sa paghina ng produksiyon ng Amerika at ang pag-atake muli ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Ngunit, maaari pa umanong mabago ang tinatayang halaga ng taas-presyo dahil sa magiging resulta ng kalakalan mamayang gabi.
Facebook Comments









