UMENTO SA SAHOD | 5,000 pisong pasahod sa mga kasambahay, isinusulong

Manila, Philippines – Muling isusulong sa 2018 ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na gawing limang libong piso ang sahod ng mga kasambahay.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, maliit ang inaprubahang isang libong pisong umento sa sahod ng mga kasambahay.

Aniya, hindi ito sasapat lalo na’t inaasahang magmamahal ang presyo ng mga bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration And Inclusion o TRAIN Act.


Sang-ayon naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na maliit ang umentong ito pero may pagkakataon naman aniyang umangat ito dahil sa periodic wage adjustment.

Facebook Comments