Umento sa sahod at dagdag na benepisyo ng mga guro, tutukan ng Kamara

Bibigyang prayoridad ng Kamara ang kapakanan ng halos isang milyong pampublikong mga guro sa bansa lalo na ang pagtaas ng kanilang sweldo, pagkakaroon ng dagdag na mga benepisyo, dagdag na mga silid-aralan at mga kagamitan tulad ng computer.

Inihayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang pagdalo sa programa para sa selebrasyon ng“2024 National Teacher’s Month” na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Romualdez, sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa tulong ni Education Sec. Sonny Angara ay matutupad ang nabanggit na mga pangako para sa ating mga guro.


Diin ni Romualdez, marapat lamang suklian ang malaking ambag ng mga guro sa paggabay at paghubog sa ating mga kabataan para maging mabuti at produktibong mamamayan ng ating lipunan na patuloy na umuunlad.

Facebook Comments