Manila, Philippines – May nakikita ng solusyon angpamahalaan sa pagre-resign at paghahain ng leave of absence ng mga kawani ng Bureauof Immigration dahil sa isyu ng overtime pay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dapatng malutas ang ganitong problema para hindi maapektuhan ang turismo sa bansa sapanahon ng Semana Santa.
Kabilang anya sa mga inihain ni Budget Secretary BenjaminDiokno ay punuan ang plantilla position para maiwasan ang mahabang overtime.
Pero, sinabi ni Atty. Gregorio Sadiasa, president ngemployees union na Buklod-Cid, na hindi solusyon ang pagdadagdag ng tauhan saimmigration kundi umento sa sahod.
Habang iginiit naman ni Immigration Officer Association ofthe Philippines President German Robin, na importante sa kanila ang overtimepay dahil dito lamang sila umaasa ng karagdagang kita.
Matatandaang nitong 2016, umabot sa P784 million angnagamit ng immigration sa overtime pay ng kanilang mga tauhan.
Halos limang beses itong mataas sa kanilang regular nasweldo.
Taliwas ito sa panuntunan ng gobyerno na hindi dapatlumagpas sa 50% ng sweldo ang overtime pay ng isang empleyado.
Umento sa sahod at hindi karada gdagang empleyado – ipinanawagan kasunod ng mass leave ng mga B-I officials sa NAIA terminals
Facebook Comments