UMENTO SA SAHOD | Mga gwardya sa Bilibid, gustong taasan ng sahod

Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na gagawa siya ng anumang paraan para mapasama ang mga gwardya ng New Bilibid Prisons (NBP) sa umento sa sahod.

Ito ay kapag naupo na si Dela Rosa bilang director ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Dela Rosa – ang mababang sweldo ng mga prison guards ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit sila nasusuhulan ng mga drug lords na nakakulong sa Bilibid.


Aniya ang base pay lamang ng isang prison guard ay nasa 12,000 pesos lamang.

Matatandaang tataasan na ang sweldo ng mga pulis at sundalo simula sa susunod na taon na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments