Tataas na ng ₱16 ang sahod ng mga minimum wage earners sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay matapos aprubahan ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang umento sa sahod sa pinirmahang wage order ni BARMM Labor Minister Muslimin Sema.
Ayon kay Sema, ang P16 na salary increase ay inaprubahan matapos ang konsultasyon sa mga kinatawan ng business at labor sector sa limang probinsya at tatlong lungsod sa rehiyon.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sema na hindi pa nila kayang magbigay ng mas mataas na umento sa sahod dahil nagsisimula pa lamang aniyang makabawi ang mga employer mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sakaling mas mataas aniya ang hilingin ay mapipilitan ang employers na magbawas ng mga manggagawa upang makasunod sa itinakdang sahod.
Sa ngayon ay nasa P316 na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa BARMM habang P306 naman para sa mga nasa sektor ng agrikultura.