
Magpapatupad ng taas sahod para sa mga manggagawang kumikita ng minimum wage sa Eastern Visayas bago ang Pasko.
Sa anunsiyo ng National Wages and Productivity Commission, maglalaro sa ₱422 hanggang ₱452 ang bagong arawang sahod sa rehiyon mula December 8.
Masusundan naman ito ng ikalawang bugso ng umento sa sahod pagsapit ng unang araw ng June 2026.
Dito ay aabot na sa ₱440 hanggang ₱470 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Region 8.
Samantala, aprubado na rin ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na naglalaro naman sa ₱5,800 hanggang ₱6,400.
Facebook Comments









