Bagamat wala pang petisyon na natatanggap ang Department of Labor and Employment Region 1 ukol sa usapin ng wage adjustment o pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, nagsasagawa na ito ng pag-aaral nang malaman kung kinakailangan na ito sa kabila ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DOLE Regional Director Attorney Evelyn Ramos, ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa rehiyon ay nag-apruba ng isang resolusyon na may kinalaman sa pagsasagawa ng minimum wage review.
Aniya, dito malalaman kung kinakailangang taasan ang minimum wage ng mga manggagawa sa Ilocos Region na kasalukuyang nasa 340.
Magpupunta ang board sa iba’t-ibang rehiyon upang magsagawa ng consultation at public hearing sa iba’t-ibang sektor.
Sa March 29, isasagawa ito sa Vigan City Ilocos Sur, April 8 sa Dagupan City at Pangasinan at sa April 20 sa probinsiya ng La Union para sa Regionwide Consultation.
Dahil dito, Inaanyayahan ni Attorney Ramos ang mga manggagawa na dumalo upang mapakinggan ang kanilang mga suhestyon o komento ukol sa usaping umento sa sahod. | ifmnews
Facebook Comments