Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng circular upang maipatupad na ang desisyon ng Korte Suprema na nagtataas sa salary grades ng government nurses.
Ayon kay Go, ngayon nasa gitna tayo ng isang pandemya ay mainam na maibigay ang lahat ng tulong sa ating health workers bilang pagkilala sa kanilang dakilang sakripisyo para sa bayan.
Sabi naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, ang dagdag na suweldo para sa government nurses ay magsisilbing dagdag-pamadyak ng mga ito ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Binanggit naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, matagal nang batas ang Philippine Nursing Act of 2002, ngunit inabot ng 18 taon para maipatupad ang pagtaas ng kanilang sahod.
Diin ni Pangilinan, isa sa mga pinakamahalagang frontliners natin ang nurses, at isa lamang ito sa maraming paraan ng pagsuporta sa kanila ngayong may pandemya.
Umaasa naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ‘sana all’, ibig sabihn, bukod sa mga nurse, sana ay itaas din ang sweldo ng iba pang health workers sa pamahalaaan tulad ng medical technologists, dietitians at radiologists.