UMENTO SA SAHOD | Pagpapasa ng resolusyon para sa umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno, ipinasasaprayoridad

Manila, Philippines – Kung gusto, may paraan.

Ito ang iginiit nila ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro kasabay ng panawagan na isaprayoridad ng pamahalaan ang umento sa sahod para sa mga government employees at public school teachers.

Ang pahayag na ito ay bunsod na rin ng sinabi ni Appropriations Chairman Karlo Nograles na kailangan munang tapusin ang huling tranche ng Salary Standardization Law sa 2019 at saka naman nila aatupagin ang dagdag na sweldo sa mga kawani ng pamahalaan kasama na ang mga guro.


Aniya, nagpasa lamang ng joint resolution na siyang naging batayan para sa dagdag na sahod ng mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel na maaari din namang gawin para sa hinihinging dagdag sahod ng mga guro.

Kung nagawa ito sa mga uniformed personnel ay hindi hamak na karapat-dapat din ang mga public school teachers sa salary increase.

Ironic aniyang maituturing na iniyayabang ni Nograles ang ginagawang “technical studies” sa umento sa sahod pero wala namang iprinisinta sa kanilang study o scientific basis noong isinusulong ang dagdag na sahod sa mga uniformed personnel.

Facebook Comments