MANILA – Dagdag na sahod ang pinaka-importante para sa mga Pilipino na dapat tugunan ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia nitong Setyembre, nasa 46-percent ang nagsabi na kailangan nang dagdagan ang sahod, 38-percent naman ang gusto ang paglikha ng trabaho, 37-percent sa pagkontrol sa inflation.Kapwa 32-percent naman ang paglaban sa korapsyon at pagbawas sa kahirapan at 31-percent naman ang paglaban sa krimen.Dahil dito, sinabi ni Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno, panahon na para itaas ang sahod at gawing 750 pesos ang minimum wage.Nilinaw ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, wala silang kapangyarihan para aprubahan ang naturang panukala.Tiniyak naman ng DOLE, na kabilang sa kanilang pinag-aaralan ang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Umento Sa Sahod, Pinaka-Importante Sa Mga Pinoy – Pulse Asia
Facebook Comments