𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Epektibo na kahapon ang umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Rehiyon uno kung saan may karagdagang 30-35 pesos ang minimum wage kada manggagawa.
May dagdag na ₱35 sa ₱400 per day ng non-agriculture establishments na may mahigit sampung mangagawa habang ₱30 naman ang dagdag para sa mga agricultural at non-agriculture establishments na may mas mababa sa sampung manggagawa na siyang malaki na rin ang tulong sa mga normal na manggagawa gaya sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa ilang minimum wage earners sa lungsod na nakapanayam ng IFM News team, sa dami umano ng kanilang binabayaran at maging ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay at maging pag-aaral ng mga bata ay kahit papaano ay may pagbabago umano sa kanilang mga sahod.

Ngunit kahit pa epektibo na ang naturang umento sa sahod ay umaasa pa rin ang ilang manggagawa sa mas mataas pa sanang dagdag na nararapat lamang na maipantapat sa kanilang mga trabaho.
Samantala, ayon sa awtoridad, hindi naman umano maaapektuhan ang bilang ng mga manggagawa sa pagtaas ng sahod at mas nangangailangan pa nga ng mas marami pang manggagawa lalo at nalalapit na ang Disyembre kung saan ipinagdiriwang ang araw ng pasko at bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments