Umiiral na COVID Alert Level System sa bansa, pinalawig

Nagdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na manatili muna ang COVID-19 Alert Level System sa bansa habang pinatitingnan niyang gawin sa Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng bagong COVID alert level classification.

Sa isang statement, sinabi ng pangulo na sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto ay asahan na magkakaroon ng bagong alert level classification.

Ito aniya ang napagdesisyunan nila ni DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire sa isinagawang pagpupulong kahapon sa Malacañang.


Ang alert level aniya ay mag-a-adjust o i-improve kung maraming mga Pilipino ang magpapa-booster shot.

Sa ngayon, ayon sa pangulo ay masusi nila itong pinagaaralan para hindi magkaroon ng kalituhan sa kapag ipinatupad na.

Paliwanag ng Pangulo na sinabi ni Vergeire na ang kalagitnaan ng Agosto ay tamang panahon dahil hindi na masyadong nagaalala ang medical community sa pag manage ng COVID cases sa bansa.

Sinabi ng Vergeire sa pulong kahapon na sa ngayon nakakaranas ang bansa ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID 19 dahil sa nakakahawang Omicron BA.5 variant.

Facebook Comments