Umiiral na ECQ, mas maluwag kumpara noong unang ipatupad ito noong 2020

Aminado ang ilang Metro Manila Mayors (MMC) na mas maluwag ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayon kumpara noong una at ikalawang beses na ipinatupad ito.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, kapansin-pansin na kahit nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila ay marami pa rin ang mga sasakyan at tao sa labas.

Paliwanag naman ni San Juan Mayor Francis Zamora, sinabayan ang ECQ ng malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 at distribusyon ng ayuda kaya marami ang umaalis ng tahanan.


Para sa ilang opisyal ng barangay, pahirapan ang pagpapatupad ng ECQ, lalo’t mas marami na ang nakalalabas na Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Sa Biyernes, nakatakdang matapos ang ECQ sa Metro Manila at wala pang pasya kung palalawigin ito.

Ipinauubaya na rin ng MMC sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine classification ng Metro Manila.

Facebook Comments