Umiiral na ECQ sa NCR plus bubble, hiniling na palawigin!

98 percent ng may COVID-19 ay asymptomatic.

Ito ang inihayag ngayon ng OCTA Reseach Group kasunod nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa bunsod na rin ng mga bagong variant.

Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, sinabi nito na dahil karamihan ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ay asymptomatic, nagiging mabilis ang hawaan sa pamilya kung saan unang naaapektuhan nito ay ang mga may comorbidities.


Bunsod nito, umaasa si Ong na palalawigin ng pamahalaan ang 1-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Ong, bagama’t posibleng bumaba sa 1.5 percent mula sa 1.9 ang COVID-19 reproduction rate sa isang linggong ECQ, nananatiling nasa critical level naman ang mga ospital sa Metro Manila kung saan nasa 2-3 weeks pa ang recovery nito.

Nakatakdang maglabas ng projection ang OCTA sa Biyernes hinggil sa naging epekto ng ECQ sa National Capital Region (NCR) plus bubble at ito ang isa sa posibleng pagbatayan ng Inter-Agency Task Force kung palalawigin o ibababa sa Modified-ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Facebook Comments