UMIIRAL NA GUN BAN, MAS PINAIGTING SA DAGUPAN CITY

Nananatiling strikto ang pag-iimplementa ng umiiral na gun ban ng hanay ng kapulisan sa Dagupan City. Kasunod pa rin ito ng ibinabang kautusan kaugnay sa nagdaang National and Local Elections (NLE) nitong a-dose ng Mayo.
Ayon sa Dagupan City Police Station, naging mapayapa umano ang pagdaraos ng eleksyon kung saan umanong naitalang mga election-related incidents. Magpapatuloy ang pagbabantay ng pulsiya sa pamamagitan ng pagpapaigting ng checkpoint operations, visibility patrols at iba pang hakbang na magpapanatili ng kaayusan sa lungsod.
Samantala, hinimok ang publiko na sakaling makakita o makaranas ng anumang kahi-hinalang gawain ay agad itong ipagbigay-alam sa awtoridad upang matugunan. Ang umiiral na gun ban ay magpapatuloy hanggang sa ika-11 ng Hunyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments