Hindi solusyon ang umiiral na Martial Law para mapigilan ang anumang karahasan lalo na sa Mindanao.
Ito ang pahayag ni Defense Sec Delfin Lorenzana matapos ang naganap na kambal na pagsabog sa isang military camp sa Indanan sulu na ikinamatay ng walo na para sa kalihim ay Suicide bombing.
Ayon sa kalihim, kahit sinumang indibidwal o grupo ay maaring makapunta sa lahat ng lugar sa Mindanao lalot hindi naman aniya lahat ng sulok ng Mindanao ay kontrolado ng militar.
May mga checkpoints lamang aniyang ginagawa ang militar sa mga lugar na sobrang delikado.
Sinabi pa ni Lorenzana ito ang ikatlong pagkakataon na may nangyaring suicide bombing sa Mindanao.
Una aniya ay sa Lamitan Basilan, pangalawa sa Cathedral ng Jolo Sulu.
Sinabi pa ng kalihim alam na ngayon ng tropa sa field kung ano ang mga dapat gawin.
Kinukumpirma rin nila kung totoong gawa ng ISIS ang pagpapasabog matapos na akuin ito ng grupo.