Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa mga umiiral na kautusan partikular sa mga kakalsadahan sa lungsod.
Iginiit ang implementasyon ng No Parking at No Street Vendors Allowed sa mga side street.
Kasunod ito ng napapansing mga nakaparkeng sasakyan, maging ang mga vendors na lumalagpas ang paninda sa itinakda lamang na pwesto sa kalsada.
Hinimok ang mga Dagupeños na makiisa at sumunod sa mga kautusan upang mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









