Linggo nang ipatupad ang naturang one way traffic scheme sa Lungsod ng Dagupan para sa kasalukuyang konstruksyon ng mga kalsada at kanal.
Sinabi ni POSO Chief Arvin Decano, posibleng baguhin ang umiiral na batas trapiko kung matapos ang isasagawang pagpupulong ng mga opisyal ng lungsod.
Dito magsasagawa din sila ng assessment sa mga motorista at mga commuter ukol sa epekto ng isang linyang daanan lamang.
Samantala, sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Decano, tanging mahabang pasensya lamang ang kanyang hiling para sa abalang nararanasan sa mga kakalsadahan sa lungsod dahil kapalit naman nito ang kaginhawaan ng lahat.
Matatandaan na hiniling ng DPWH ang naturang kautusan para sa mabilisang konstruksyon ng mga proyekto ng ahensya sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments