UMIIWAS? | CJ Sereno, ayaw magisa sa sariling mantika kaya hindi dumadalo sa mga pagdinig – Cong. Umali

Manila, Philippines – Naniniwala si House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na takot *‘*magisa sa sariling mantika’ si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa interview ng RMN kay Umali – ito ang dahilan kung bakit hindi dumadalo si Sereno sa mga nangyaring pagdinig ng komite ukol sa reklamong impachment.

Iginiit pa ni Umali, imposibleng magkaroon ng constitutional crisis dahil ang tatlong sangay ng gobyerno ay gustong patalsikin si Sereno.


Nabatid na lusot na sa House Justice Committee ang impeachment complaint matapos makitaan ng probable cause.

Itinakda naman sa Marso 14 ang botohan para sa committee report at sa articles of impeachment bago ito iakyat sa plenaryo para pag-aralan ng rules committee.

Facebook Comments