UMIIWAS? | Dating COMELEC Chairman Andres Bautista, hindi pa makakauwi ng Pilipinas dahil sa iniindang sakit

Manila, Philippines – Hindi pa makakauwi sa Pilipinas si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.

Ito ang pagbubunyag ng nakatatandang kapatid nito na si Dr. Martin D. Baustista.

Ayon kay Dr. Bautista, nakararanas ngayon ang former chairman ng ‘secondary pulmonary hypertension’.


Aniya, ang kanyang kapatid ay kasalukuyang nasa Estados Unidos at iniinda ang hirap sa paghinga, mabilis mapagod at pagkaantok sa umaga.

Ang dating Poll Body Chief ay kasalukuyang ginagamot at pinaiiwasan siyang bumiyahe ng matagal.

Itinanggi rin ng nakatatandang Bautista na nagtatago ang kanyang kapatid para umiwas sa pagdinig ng senate committee on banks, financial institutions and currencies na pinamumunuan ni Senator Francis Escudero dahil hindi naman nito natanggap ang subpoena.

Una rito, ipinag-utos na ni Escudero na ipa-contempt si bautista dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig noong nakaraang buwan.

Facebook Comments