Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Sen. Antonio Trillanes ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Sabi ni Trillanes, seryoso raw ba talaga si VM Duterte na delicadeza ang dahilan ng kanyang pagbibitiw matapos nitong patulan ang kanyang anak sa social media.
Tinawag din ni Trillanes na “BS” ang rason ni VM Duterte, gayung na-clear na ito sa aniya’y “komite de absuwelto” ni Sen. Richard Gordon.
Dagdag pa ng senador, baka iniiwasan lang ng bise alkalde ang mga imbestigasyon laban sa kanya ng Ombudsman.
Maaaring kailangan din aniya ni Duterte ng oras para pangasiwaan ang umano’y multi-milyong pisong mga negosyo nito.
Facebook Comments