Isinailalim sa state of calamity ang Umingan dahil sa libong residente na lubhang apektado ng pananalasa ng Bagyong Crising at patuloy na umiiral na habagat.
Ang desisyon ay resulta sa ginanap na emergency meeting ng lokal na pamahalaan at mga ahensya sa bayan kasunod ng 6,010 apektadong residente mula sa ilang barangay.
Tinalakay din sa pagpupulong ang paggamit ng kaukulang pondo upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad.
Matatandaan na narescue at inilikas ang ilang residente sa Brgy. Poblacion matapos ang malakas na pagragasa ng tubig baha dahil sa umano’y hindi naisarang irrigation gate noong July 17.
Agad nabigyan ng tulong at relief packs ang mga apektadong residente.
Patuloy din ang monitoring ng mga ahensya sa sitwasyon sa iba’t-ibang panig ng bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









