Nabalot ng makukulay na dekorasyon ang buong Municipal Building ng Umingan, Pangasinan dahil sa kanilang Candyland Theme na Christmas Decoration.
Bago pumasok sa pinto ng mga tanggapan, sasalubong na ang nakabibighaning mga disenyong tiyak na makagagaan ng iyong nararamdaman at bubuhay sa iyong pagkabata.
Paano ba naman! Nakakatakam tingnan ang makukulay na paboritong chocolates at candy cane hanggang sa mga colorful gingerbread house at ice cream!
Ipinagmamalaki sa likod ng mga makulay na dekorasyon ang pagkakaisa at camaraderie ng mga empleyado na mismong gumawa at nagdisenyo sa buong munisipyo.
Instant attraction din ang mga opisina dahil bukas ito para sa public viewing mula Lunes hanggang Sabado, bukod pa sa nakatakdang pagpapailaw ng giant Christmas Tree sa darating na December 4, 2025.
Damang dama na talaga ang diwa ng pasko sa Umingan, maging kakulay sana ng mga disenyo ang pasko ng bawat Pangasinense! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







