Friday, February 20, 2026

UMIWAS SA ILEGAL NA DROGA, MULING PAALALA NG PANG PPO

Muling nagbigay paalala ang Pangasinan Police Provincial Office sa publiko hinggil sa patuloy na banta ng ilegal na droga, lalo na sa mga kabataan na madalas dumadalo sa mga party, inuman, at gabing lakad.

Ayon sa ibinahaging paalala ng pulisya sa kanilang post, mahalagang magsimula sa sariling disiplina at pag-iwas sa tukso upang hindi mabiktima ng ilegal na substansiya.

Kabilang sa mga pangunahing paalala ang huwag tumanggap ng inumin o pagkain mula sa hindi kakilala; iwasang sumubok o tumikim ng anumang uri ng ilegal na droga; mag-ingat sa mga iniaalok na “pampalakas” o “pampasaya”; at manatiling mapagmatyag sa mga pampublikong pagtitipon.

Binigyang-diin ng PNP na ang pagprotekta sa sarili ay unang hakbang upang makaiwas sa kapahamakan at sa posibleng kasong kriminal na kaakibat ng paggamit ng ilegal na droga.

Sa anumang kahina-hinalang aktibidad, pinapayuhan ang publiko na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa 911 para sa agarang responde at tulong.

Facebook Comments