UMIWAS | Secretary Roque, dumistansiya sa posibleng tumayong bagong tagapagsalita ng Pangulo sakaling siya ay tumakbo sa 2019

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na wala siyang kinalaman sa mga lumulutang na pangalan na posibleng pumalit sa kanya sa oras na magdesisyon itong tumakbo sa 2019 midterm elections.

Lumabas kasi sa mga balita na mayroong 4 na pangalan ang mga umanoy pinagpipilian na umalit kay Roque sa katauhan nila Atty. Adel Tamano, Secretary Salvador Panelo, Atty. Aileen Lizada ng LTFRB, at MMDA Spokesperson Celine Pialagao.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala siyang kinalaman sa mga pangalan na lumulutang dahil wala pa naman siyang desisyon kung tatakbo siya sa susunod na taon.


Sinabi nito na kakausapin pa niya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanyang mga posibleng maging desisyon.

Pero sinabi nito na kung siya ang tatanungin ay irerekomenda niya na pumalit sa kanya ay si Assistant Secretary Queenie Rodulfo dahil gusto niyang isang rank and file ang papalit sa kanya.

Facebook Comments