UMUPO NA | Kauna-unahang babaeng Pangulo ng Georgia, nanumpa na!

Georgia – Pormal nang naupo bilang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Georgia na si Salome Zurabishvili.

Ito ay sa kabila ng pagkundena ng oppostion parties sa kanyang pagkakahalal.

Sa nasabing inagurasyon, naipatupad ang bagong konstitusyon na nagbago sa bansa patungo sa parliamentary republic na mayroong Ceremonial President.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Zurabishvili na ang kanyang goal ay gawing irreversible ang democratic development ng Georgia.

Isasagawa umano nya ito sa tulong ng suporta ng kanilang strategic partners na United States of America, at kanilang European allies.

Mababatid na nagde-demand ang opposition parites ng snap parliamentary polls dahil dinaya umano ni Zurabishvili ang eleksyon.

Facebook Comments