UMUPO NA | Kauna-unahang Defense Attaché ng Pilipinas sa Russia, nanungkulan na sa embahada

Manila, Philippines РNanungkulan sa Philippine Embassy sa Moscow ang kauna-unahang defense attach̩ ng Pilipinas sa Russia.

Ayon kay Ambassador Carlos Sorreta, nag-report na sina Col. Dennis Pastor at si Technical Sergeant Pablito Igne na kanyang Administrative Assistant sa embahada.

Nabatid na sa apat na dekadang pakikipag-ugnaya ng Pilipinas sa Russia, ito ang unang beses na nagtalaga ang bansa ng Defense Attaché.


Sinasabing mahalaga ang magiging papel ng Defense Attaché bilang kinatawan ng Secretary of National Defense at Chief of Staff ng AFP sa implementasyon ng Defense Cooperation Agreement na nilagdaan ng dalawang bansa noong May 2017.

Facebook Comments