Umuugong na impeachment laban kay VP Sara, fake news

Iginiit ni House Majority Leader Mannix Dalipe, na fake news ang umuugong na planong pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte ng ilang mga kongresista.

Diin ni Dalipe, ito ay tsismis lamang na walang basehan at nakakasira sa political unity.

Sa tingin ni Dalipe, layunin ng mga nagpapalutang ng impeachment na pag-awayin sina VP Sara at House Speaker Martin Romualdez.


Bunsod nito, ay ginarantiyahan ni Dalipe na nananatili ang respeto ni Speaker Romualdez sa ikalawang pangulo at anumang mapanirang hakbang ay hindi parte ng diskarte at karakter nito.

Nilinaw din ni Dalipe, na wala pang desisyon si Speaker Romualdez kung tatakbo itong pangulo sa 2025 Elections.

Ayon kay Dalipe, ngayon ay nakatuon si Romualdez sa pagsusulong ng mga panukala na makakatulong sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na pagbutihin ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments