Ibinabala ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang magiging epekto sa seguridad sa pagkain ng bansa ng umuunting bilang ng mga mangingisdang Pilipino.
Ang pagka-alarma ni Yamsuan ay makaraang lumabas sa pagdinig ng pinamumunuan niyang House Committee on Aquaculture and Fisheries na nababawasan na ang ating mga mangingisda dahil tumatanda na sila.
Sa pagdinig ay iprinisinta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sa 2.5 milyong mga Pilipina na nakadepende sa pangingisda, ang 24%, o 600,000 ay mahigit 60 taong gulang na habang ang 21% naman o 525,000 ay edad 51 to 60 years old.
Binanggit naman ni BFAR Assistant Director Zaldy Perez sa pagdinig na nitong first quarter of 2024 ay bumaba ng 52 percent ang naitalang produksyon ng Philippine Fisheries Industry.
Bunsod nito ay iminungkahi ni Yamsuan sa pamahalaan na magbigay ng mas maraming scholarship para mahikayat ang mga estudyante na kumuha ng kurso o karera na may kaugnayan sa aquaculture and fisheries.