UN arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas, hindi makakaapekto sa bubuuing code of conduct on the South China sea ng ASEAN members at China – Malacañang

Manila, Philippines – Paniniwala ng Malacañang na hindi maaapektohan ng arbitral ruling sa South China sea ang napagkasunduan ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN na pagbuo ng Code of Conduct on the South China sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi magiging sagabal o hindi magiging problema ang desisyon ng UN arbitral tribunal sa pagbuo ng COC.

Sinabi din ni Roque na dapat ay legally binding din ang bubuoing COC dahil kung hindi ay wala itong magiging ngipin o mababalewala lamang ito.


Nabatid na batay sa ruling ng Arbitral tribunal ay mayroong exclusive sovereign rights ang Pilipinas at hindi nito kinikilala ang nine dash line ng China sa ilang pinagtatalunang isla sa South China sea.

Matatandaan na sa katatapos lamang na 31st ASEAN Summit ay napagkasunduan ng ASEAN at ng China na bumuo ng COC na inaasahang magiging tulay para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments