UN, binigyang pugay ang tatlong Pinoy staff na namatay dahil sa COVID-19

Binigyang pugay ng United Nations (UN) ang tatlong Pilipinong kanilang empleyado na nasawi dahil sa COVID-19.

Sa isinagawang Annual Memorial Service sa UN headquarters sa New York, pinasalamatan ni Ambassador Enrique A. Manalo ang tatlong Pilipino na nagserbisyo sa organisayon.

Ayon kay Manalo, isang karangalan sa Pilipinas ang pagsisilbi ng tatlo sa United Nations.


Pinangalanan ang tatlong bayani na sina Joanna Abaya mula sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), Dr. Ronald Santos sa United Nations Assistance Mission for Iraq at Maria Luisa Almirol Castillo sa United Nations High Commission for Refugees (UNCHR).

Facebook Comments