UN-FAO, DA-Maguindanao, nagpulong!

Sa layuning malaman at makuha ang mga impormasyon ng mga pagsisikap ng Department of Agriculture-Maguindanao para matulungan ang mga magsasaka pagkatapos ng mga kalamidad, minabuti ng UN-FAO Manila na makipagkita kay Provincial Agricultural Officer Dr Daud K. Lagasi, Al-Hadj.
Ayon kay PAO Lagasi, kabilang sa kanilang mga pagsisikap upang matulungan ang mga magsasakang apektado ng kalamidad na kadalasan ay pagbaha ay kinukuha muna nila ang mga impormasyon ukol sa naging pinsala ng kalamidad upang maging basehan ng rehabilitation plan at sa pamamahagi ng tulong pansaka tulad ng mga binhi ng palay at mais.
Ayon naman sa UNFAO, nais nilang malaman ang kahalintulad na mga impormasyon upang maging gabay naman nila para sa gagawin nilang mga proyekto na may kaugnayan sa social protection at early-warning system para sa bansang Pilipinas kasama na ang rehiyon ng ARMM.

Facebook Comments