Mariing kinondena ng United Nations (UN) ang military detention sa ilang lider ng Myanmar kabilang na si State Councellor at National League for Democracy (NLD) General Secretary Aung San Suu Kyi at President U Win Myint.
Ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres, ang nangyari pagdakip ay indikasyon ng pagsira sa democratic reforms sa bansa.
Kasunod nito, nanawagan ang UN sa Myanmar military na irespeto ang pagkapanalo ng NLD maging ang desiyon ng taumbayan na pigilan ang nangyayaring karahasan sa Myanmar.
Dahil sa nangyaring gulo, nakatakdang magkaroon ng pagpupulong ang UN Security Council sa nasabing bansa kasama ng UN’s special envoy to the country.
Facebook Comments