Monday, January 19, 2026

UN, nababahala sa patuloy na pagtaas ng temperatura sa karagatan

Nabahala ang United Nations (UN) sa patuloy na pagtaas ng temperatura sa karagatan na banta sa marine life.

Ayon sa pag-aaral na isinigawa ng World Meteorological Organization (WMO) na lalo pang lumalala ang ocean heat sa paglipas ng apat na taon.

Umaabot na ang init hanggang sa 700 metro o higit 2,000 talampakang lalim ng karagatan.

Huli itong nangyari noong taong 1955.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Gutierrez – magsilbi sana itong wake-up call para sa mga gobyerno, siyudad at negosyo.

Hinimok din ng UN chief ang mga world leaders na bumuo ng mga kongkretong hakbang upang mabawasan ang greenhouse emissions.

Facebook Comments