UN, naglunsad ng “$6.5 million campaign fund” para sa mga biktima ng Bagyong Odette

Umarangkada na ngayon araw ang kampanya ng United Nations para makakalap ng pondo sa mga biktima ng Bagyong Odette sa bansa.

Ayon kay Gustavo Gonzales, Country Coordinator ng UN, target nilang makakalap ng $6.5 million o katumbas ng 325 milyong piso na ilalaan para sa 530,000 indibidwal na naapektuhan ng hagupit ng bagyo.

Kabilang sa itutulong ng UN ang health logistics, inuming tubig at sanitation facilities.


Ayon kay Gonzalez, bukod sa local level, inilunsad din ang kampanya ngayong araw sa international community.

Samantala, patuloy rin ang pagbuhos ng financial assistance mula sa ibang bansa.

Kabilang dito ang mga bansang Australia, European Union, Ireland, Switzerland, Singapore, Amerika, China, South Korea, Japan, Canada at United Kingdom.

Facebook Comments