Sa Mali, isang United Nations (UN) peacekeeper ang patay matapos masabugan ng land mine ang sinasakyan nilang convoy.
Sa report, papuntang border ng burkina faso ang Egyptian Contingent ng UN Force nang mangyari ang insidente.
Ayon kay UN Force Commander Dennis Gyllensporre, agad naka-responde ang kanilang hanay at naaresto ang anim na attacker.
Sa datos ng UN, aabot sa 200 peacekeepers na ang nasawi sa Mali.
Itinuturing ng pinaka-delikadong un peacekeeping operation ang multidimensional integrated stabilization mission in Mali o Minusma.
Facebook Comments