UN, pinakikilos ang lahat ng ahensya para matiyak na magtatagumpay ang COVID-19 vaccination program

Pinakikilos na ng United Nations Philippines ang lahat ng ahensya at resources nito para tumulong sa ikakatagumpay ng rollout ng COVID-19 vaccination program.

Ang UN ay sumusuporta sa vaccination program ng pamahalaan sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ayon kay UN Resident Coordinator Gustavo Gonzales, ang vaccination campaign ay isang core component ng COVID-19 recovery phase at nangangailangan ito ng buong suporta.


Nakasalalay ito sa mga prioritization policies at matibay na logistics.

Ang UN ay nagbibigay ng logistics equipment tulad ng Mobile Storage Units, generators at prefab offices at transport support.

Nagbibigay rin ang UN ng technical assistance sa mga Local Government Unit (LGU).

Nakikipagtulungan din ang UN sa Department of Health (DOH) at Department of Justice (DOJ) para isulong na mapabilang ang Internally Displaced Persons (IDPs) at refugees, lalo na ang mga kabilang sa priority vaccination groups.

Nagsu-supply rin ang UN ang cold chain management equipment kabilang ang specialized cold chain vehicles, biosafety refrigerators at ultra-low temperature freezers.

Facebook Comments