UN, pinapanagot si Police Staff Sgt. Jonel Nuezca

Nabahala na rin ang United Nations (UN) sa nangyaring pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay UN Resident Coordinator Gustavo Gonzalez, dapat na magkaroon ng ‘accountability’ o mapanagot sa naturang pagpaslang si Nuezca lalo’t nagkaroon ng epekto sa lahat ang nangyari.

Maliban dito, ikinababahala rin aniya niya ang posibleng pagsirit ng kaso ng patayan sa Pilipinas.


Dahil dito, nanawagan si Gonzalez na paiigtingin ang mekanismo ng Pilipinas pagdating sa accountability para mapanatiling matino ang mga pulis na nasa serbisyo.

Facebook Comments