UN Security Council nakiramay sa Pilipinas hinggil sa Jolo Sulu bombing

Nagpaabot ng pakikiramay ang United Nations Security Council sa gobyerno ng Pilipinas at pamilya ng mga namatay, kasunod ng terrorist attack sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Kasabay nito, nanalangin ang United Nations Security Council sa maagang paggaling ng mga nasugatan at pagbangon mula sa trahedya.

Sinabi ng DFA, pinahahalagahan ng Pilipinas ang mga pagpapahayag ng simpatiya at pagkakaisa mula sa Security Council at iba pang member-states ng United Nations.


Ang Pilipinas at ang sambayanang Pilipino ay kaisa ng international community sa paglaban sa terorismo at violent extremism.

Ayon sa UN Security Council, ang terorismo sa lahat ng anyo at manifestations ay isa sa pinakaseryosong banta sa internasyonal na kapayapaan at seguridad.

Binigyan diin ng mga miyembro ng Security Council na kailangan papanagutin ang perpetrators, organizers, financiers at sponsors ng terorismo at dalhin sila sa hustisya, hinimok ang lahat ng estado, alinsunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng international law at mga kaugnay na resolusyon ng Security Council na aktibong makiisa sa Pamahalaan ng Pilipinas at lahat ng awtoridad sa bagay na ito.

Facebook Comments