UN Security Council, pinaghahanda ni US President Trump na maghain panibagong sanctions laban sa North Korea

Amerika – Pinaghahanda na ni US President Donald Trump ang UN security council na maghain ng bagong sanctions laban sa North Korea.

Sa kaniyang pagharap sa 15 UN Security Council Ambassadors kasama ang China at Russia, sinabi nito na ang status quo sa North Korea ay hindi katanggap-tanggap.

Makatotohanan din anya ang nasabing banta ng North Korea sa kanila.


Ilan sa mga sanctions na maaring ipataw sa North Korea ay ang pagbawal ng oil embargo, pagbawal sa airline ng North Korea, pagharang sa mga cargo ships at pagparusa sa mga Chinese banks at ibang mga bansa na makipag-negosasyon sa Pyongyang.

Facebook Comments